Miyerkules, Hunyo 15, 2011

Exotic Foods na Matatagpuan sa Loob at Labas ng Bansa


1. Inihaw na Paniki(Thailand). Sa Baan Toom, ang mga paniki ay inihaw

sa uling o tinadtad na sa isang tradisyunal na ulam. Ang mga lokal ay maaari manghuli sa bilang ng 200 na paniki sa iisang araw. Ang paniki ay unang ibinababad sa tubig na kumukulo. Pagkatapos, ang kanilang mga balahibo ay tinatanggal, at iihawin ang pakpak at ang lamang loob nito Ang tinadtad na karne ay inihahalo sa mga sariwang herbs, asukal at maanghang na sangkap bago ipiniprito.


2. Century egg(China). Ito ang proseso:Kumuha

ka ng itlog ng pato, pugo o simpleng mga itlog ng
manok at panatilihin ang mga ito sa isang halo ng apog, luwad, asin at abo. Ibalot ang mga ito sa dayami. Sa paglipas ng panahon, ang itlog ay bubuo ng lime acid juice na pipigil sa pagpanis nito. Ang prosesong ito ay dapat lumipas sa apat na buwan at pagkatapos ay maari
mo na matamasa ang mga itlog na ito.


3. Adobong Kuliglig (Pilipinas).

 Sa Gitnang Luzon, ang kuliglig (cricket) ay iniluluto ng adobo sa toyo, asin at suka. Ito ay lokal na kilala bilang camaro. Katulad ng isang potahe na tinatawag na baling ay maaari itong iluto gamit ang sangkap na balang o lukton(locust). Ang mga insektong ito ay malutong at bahagyang matamis, na masarap isabay sa pagkain ng malambot na kanin. Ang pangunahing sangkap ng potaheng ito na ang kuliglig ay pana- panahon lamang nahuhuli, dahil ang
mga insektong ito ay nagpapakita lamang ng ilang beses sa isang taon.
Ang pagkain ng camaro ay naging tradisyunal na paligsahan na ng mgalokal na mamamayan ng Pampangga bilang pangakit ng mga turista, kung saan ang potaheng
ito ay karaiwang inihahanda at inihahain (Villamor, 2010).

4. Soup #5 (Pilipinas).

Sa unang tingin, ito’y tila ang iyong pang-araw araw na sopas o paboritong sabaw, mainit-init, masarap at kaakit-akit. Ngunit sa pangalawang tingin ay maaari mo itong pagkainteresan o maari mo itong pandirian. Ang soup#5 ay ginawa mula sa ari ng baka o kambing, na tinimplahan ng asin, luya at iba't-ibang pang uri ng mga gulay. Ang karne nito ay karaniwang dinudusdos sa tubig na kumukulo bago iluto upang maluoy ang labas nito, na kung saan ito’y sinasabing nagbibigay lasa sa potaheng ito. Ang soup#5 ay nagsimula sa Pilipinas, bagaman may mga nagsasabing ang mga Tsino daw ang unang nakatuklas dito. Napagalaman rin na ang potaheng ito ay aprodisyak at mapagkukunan at mayaman sa protina (Villamor, 2010).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento